Mahigpit na kinondena at buong tatag na tinututulan Nobyembre 4, 2019, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang pagpapatibay ng mababang kapulungan ng Amerika ng Uyghur Human Rights Policy Act of 2019.
Sinabi ni Hua na ina-atake ng naturang akter ang patakarang Tsino sa pamamahala sa Xin Jiang. Malubha aniya itong lumalabag sa pandaigdig na batas at pundamental na prinsipyo ng relasyong pandaigdig. Sinabi pa ni Hua, na ito'y pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina. Dapat agarang itigil ng Amerika ang kamaliang ito, kung hindi, tiyak na isasagawa ng Tsina ang katugong hakbangin, diin ni Hua.
Salin:Sarah