Madrid — Binuksan nitong Lunes, Disyembre 2, 2019 ang Pulong ng United Nations (UN) hinggil sa Pagbabago ng Klima sa Taong 2019. Sa isang panayam, sinabi ni Lu Xinming, Pangalawang Puno ng Departamento ng Pagharap sa Pagbabago ng Klima ng Ministri ng Kapaligirang Ekolohikal ng Tsina, na bilang pinakamalaking umuunlad na bansa, palagiang kinakatigan ng Tsina ang multilateralismo, at ganap nitong tutupdin ang nagawang pangako. Aniya, aktibo at konstruktibong makikilahok ang Tsina sa multilateral na proseso hinggil sa isyu ng pagbabago ng klima, at nakahanda itong magsikap kasama ng iba't-ibang panig para mapasulong ang pagtatamo ng tagumpay ng pulong.
Dagdag pa ni Lu, malubhang nakakapinsala ang unilateralismo sa mithiin at kompiyansa ng daigdig sa pagharap sa pagbabago ng klima. Magdudulot din aniya ito ng napakalaking pinsala at epekto sa ginagawang pagsisikap ng buong daigdig sa usaping ito.
Salin: Li Feng