Idinaos sa Beijing Martes, Disyembre 3, 2019 ang Porum sa Imahe ng mga Bahay-kalakal na Tsino sa Ibayong Dagat para sa Taong 2019 kung saan pormal na isinapubliko ang "Ulat ng Imbestigasyon sa Imahe ng mga Bahay-kalakal ng Tsina sa Ibayong Dagat 2019 sa Bersyong Latin-Amerikano."
Isinagawa ang nasabing imbetsigasyon sa limang bansang Latin-Amerikano na kinabibilangan ng Argentina, Brazil, Chile, Mexico, at Peru. Sa pamamagitan ng 2,500 survey samples, nagkaroon ng internasyonal at propesyonal na pag-imbestiga at pag-analisa sa imahe ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino at mga kompanyang Tsino sa ibang bansa.
Ayon sa imbestigasyon, mainam ang impresyon ng 73% ng mga respondent sa mga bahay-kalakal na Tsino na mas malaki kumpara sa mga kompanyang Amerikano na 71%, at kompanyang Pranses na 62%. Mainam din sa kabuuan ang impresyon ng halos 50% ng mga respondent sa pangkalahatang kalagayan ng Tsina na binigyan nila ng 7.3 punto (10 punto ang buong marka).
Bukod dito, pawang ipinalalagay ng mga respondent na ang kabuhayang Tsino ay nakakapaghatid ng positibong epekto sa pag-unlad ng rehiyon at buong mundo. Optimistiko sila sa prospek ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino.
Salin: Li Feng