Kaugnay ng pagsasagawa ng pamahalaang sentral ng Tsina ng mga ganting-hakbanging gaya ng pagpapataw ng sangsyon sa mga organisasyong di-pampamahalaan na may masamang kilos kaugnay ng kaguluhan sa Hong Kong, ipinahayag kamakailan ng iba't ibang sirkulo ng Hong Kong ang pagkatig dito.
Sinabi ni Tan Jinqiu, Pirmihang Kagawad ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), ang pagsasabatas ng Amerika sa Hong Kong Human Rights and Democracy Act of 2019 ay pagsasagawa ng double standard, at pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina. Aniya, sa kasalukuyan, isinagawa ng pamahalaang sentral ang ganting hakbangin, at maaaring iharap ng pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Adminsitratibo ng Hong Kong (HKSAR) ang kinakailangang sangsyon.
Ipinahayag naman ni Lu Songxiong, Mambabatas ng Legislative Council ng Hong Kong, na mapagtimpi ang ganting hakbangin ng pamahalaang sentral. Aniya, kung nais ng Amerika na pangalagaan ang kapakanan ng puhunang Amerikano sa Hong Kong, dapat agarang itigil nito ang mga maling aksyon.
Salin: Vera