Sa panahon ng Ika-2 Hainan Island International Film Festival, idinaos kahapon, Miyerkules, ika-4 ng Disyembre 2019, sa Sanya, ang porum hinggil sa kooperasyong panlabas para sa mga pelikulang Tsino.
Lumahok sa porum ang mga prodyuser ng pelikula, namamahalang tauhan ng kompanya ng pelikula, distributor ng pelikula, at iba pang tauhan mula sa loob at labas ng Tsina. Tinalakay nila ang hinggil sa kung anu-ano ang dapat gawin sa aspekto ng nilalaman at promosyon, para pasulungin ang pagpasok at pagtanggap ng mga pelikulang Tsino sa pamilihang dayuhan.
Salin: Liu Kai