|
||||||||
|
||
Nag-usap Disyembre 4, 2019, sa Seoul ng Timog Korea, sina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Ministrong Panlabas Kang Kyung-wha ng Timog Korea.
Ipinahayag ni Wang Yi na ang Tsina at T.Korea ay mahalagang magkapitbansa at partner. Mabuti ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa sa pamumuno ng mga lider ng dalawang panig. Sa harap ng walang katiyakang kalagayang pandaigdig, dapat palakasin ng dalawang bansa ang pagpapalitan at pagtutulungan sa iba't ibang larangan, para magkasamang mapangalagaan ang komong kapakanan, at patingkarin ang konstruktibong papel para sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng T.Korea, para balangkasin nang mabuti ang mahalagang pagpapalitan ng dalawang bansa sa mataas na antas. Malugod na inanyayahan si Pangulong Moon Jae-in ng T.Korea na dumalaw ng Tsina para lumahok sa Ika-8 Pulong ng mga Lider ng Tsina, Hapon at Timog Korea. Tinukoy ni Wang na dapat palakasin ng Tsina at T.Korea ang koordinasyon sa multilateralismo, para itatag ang bukas na kabuhayan sa buong mundo.
Ipinahayag naman ni Kang Kyung-wha na masalimuot ang kalagayang panrehiyon at pandaigdig sa kasalukuyan, lubos na pinahahalagahan ng T.Korea ang relasyon at kooperasyon sa Tsina. Sinusuportahan ng T.Korea ang multilateralismo na ang nukleo ay United Nations. Nakahanda ang T.Korea na magsikap, kasama ng Tsina, na palakasin ang estratehikong koordinasyon, palalimin ang pagpapalitan at pagtutulungan sa iba't ibang larangan, para pasulungin ang bagong pag-unlad ng estratehikong pangkooperasyong partnership ng Tsina at T.Korea.
Nagpalitan din ang dalawang panig ng palagay hinggil sa isyung nuklear ng Korean Peninsula.
Salin:Sarah
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |