|
||||||||
|
||
Pinagtibay nitong Miyerkules, Nobyembre 27, 2019 ng European Parliament (EP) ang listahan ng bagong opisyal ng Komisyon ng Unyong Europeo (EU) kung saan hinirang si Ursula von der Leyen bilang Presidente. Uupo sa puwesto ang mga bagong opisyal ng Komisyon ng EU sa unang araw ng darating na Disyembre.
Kaugnay nito, ipinahayag nitong Huwebes, Nobyembre 28, 2019 ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na palagian at lubos na pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang pagpapaunlad ng relasyon sa EU, at pinahahalagahan ang katayuan at papel ng EU Commission.
Sinabi rin ni Geng na kinakatigan ng panig Tsino ang proseso ng integrasyong Europeo. Umaasa aniya ang Tsina na mapapanatili ang pagkakaisa, katatagan, pagbubukas at kasaganaan sa EU.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |