Nitong ilang araw na nakalipas, sa katwiran ng umano'y "classified documents" ng Xinjiang, pinalaki ng mga dayuhang media at organisasyon ang isinasagawang edukasyong bokasyonal at pagsasanay ng pamahalaan ng Xinjiang sa pagtatangkang siraan ang natamong bunga ng Xinjiang sa paglaban sa terorismo at ekstrimismo. Kapoot-poot ang pagbalewala nito sa katotohanan at sinisiraan ang pagsisikap ng mga mamamayan ng iba't-ibang nasyonalidad para sa pagsasakatuparan ng katatagang panlipunan at pangmalayuang seguridad ng lugar. Hinding hindi ito pahihintulutan ng mga mamamayan ng iba't-ibang nasyonalidad ng Xinjiang.
Ang mga vocational education at training centers na naitatag ng Xinjiang alinsunod sa batas ay hindi "concentration camps" na pinaniniwalaan at pinagkakalat ng mga dayuhang media at organisasyon, at lubos na naigagarantiya ang iba't-ibang karapatan ng mga mag-aaral sa mga sentro ng pagsasanay. Nitong tatlong taong nakalipas, walang nagaganap na teroristikong insidente sa Xinjiang, at lumitaw ang napakagandang kalagayang maunlad ang kabuhayan, matatag ang lipunan, nagkakaisa ang nasyonalidad, at maharmoniya ang relihiyon.
Dagdag ng pahayag, patuloy na pag-iibayuhin ng Tsina ang pagsisikap para mapasulong ang katatagang panlipunan at pangmalayuang seguridad ng Xinjiang.
Salin: Li Feng