Pinagtibay kamakailan ng Mababang Kapulungan ng Amerika ang Uyghur Human Rights Policy Act of 2019, kung saan walang pasubaling nakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina, buong tikis na naninirang-puri at walang batayang bumabatikos sa mga patakaran ng pamahalaang Tsino sa pangangasiwa sa Xinjiang, paglaban sa terorismo at pangangalaga sa katatagan, at kalagayan ng karapatang pantao ng Xinjiang. Ito ay nagpadala ng grabeng maling signal sa mga marahas at teroristikong puwersa. Layon nitong sirain ang kasaganaan at katatagan ng Xinjiang, at sirain ang prosesong historikal ng pagsasakatuparan ng nasyong Tsino ng dakilang pag-ahon. Muling nagpakita ito ng karumal-dumal na tangka ng panig Amerikano na hadlangan ang pag-unlad ng Tsina, sa pamamagitan ng isyu ng Xinjiang, at tiyak na mabibigo ito.
Ang isyung may kinalaman sa Xinjiang ay isyu ng paglaban sa karahasan, terorismo at separatismo, sa halip ng isyu ng nasyonalidad, relihiyon at karapatang pantao. Ang pagpapatibay ng Mababang Kapulungan ng Amerika sa nasabing mosyon ay hindi lamang pagtanggi sa tunay na bunga ng paglaban sa terorismo sa Xinjiang, kundi grabeng nakasira rin sa pandaigdigang kooperasyon laban sa terorismo.
Ang mga isyung may kinalaman sa Xinjiang ay suliraning panloob ng Tsina, at hinding hindi pahihintulutan ang pakikialam ng anumang bansa at puwersang dayuhan. Hinimok ng panig Tsino ang panig Amerikano na itakwil ang kaisipan ng cold war, maintindihan ang galaw ng panahon, hadlangan ang pagsasabatas ng mosyong may kinalaman sa Xinjiang, itigil ang pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina, sa pamamagitan ng isyung may kinalaman sa Xinjiang, at huwag ilagay ang hadlang sa pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano.
Salin: Vera