Kaugnay ng pagpapatibay ng Mababang Kapulungan ng Amerika ng "Uyghur Human Rights Policy Act of 2019," ipinahayag nitong Martes, Disyembre 3 (local time), 2019 ng China Society for Human Rights Studies (CSHRS) na binabawela ng Mababang Kapulungan ng Amerika ang katotohanan, at sa kabila ng solemnang representasyon at matinding pagtutol ng panig Tsino, lantaran nitong pinagtibay ang nasabing panukalang batas kung saan walang galang na nanghihimasok sa suliraning panloob ng Tsina. Ito anito ay lubos na nagbubunyag ng kaisipan ng hegemonya, at ipinahayag ng CSHRS ang matinding pagtutol at mahigpit na pagkondena hinggil dito.
Sinabi ng CSHRS na makaraan ng walang tigil at puspusang pagsisikap, mabisang napigilan ang tunguhin ng madalas na pagganap ng mga teroristikong aksyon sa Xinjiang ng Tsina, bagay na gumarantiya sa pinakamalaking digri sa katuparan ng mga pundamental na karapatang tulad ng buhay at pag-unlad ng iba't-ibang nasyonalidad ng nasabing lugar. Anito, ang pakikibaka ng Xinjiang ng Tsina laban sa terorismo at de-radikalisasyon ay mahalagang bahagi ng pandaigdigang pakikibaka laban sa terorismo, at nakakapagbigay ito ng mahalagang ambag para sa pandaigdigang usapin ng paglaban sa terorismo.
Salin: Li Feng