|
||||||||
|
||
Mahigpit na pagtutol at buong tinding pagkondena, ang ipinahayag Miyerkules, Disyembre 4, 2019 ng State Ethnic Affairs Commission (SEAC) ng Republika ng Bayan ng Tsina sa pagpapatibay ng Mababang Kapulungan ng Amerika ng ""Uyghur Human Rights Policy Act of 2019."
Sinabi ng SEAC na sa kabila ng matinding pagtutol at solemnang representasyon ng panig Tsino, buong tigas na pinagtibay ng Mababang Kapulungan ng Amerika ang nasabing akta. Ito anito ay walang galang na panghihimasok sa suliraning panloob ng Tsina, at lantarang lumalapastangan sa pundamental na norma ng relasyong pandaigdig. Binabewala ng aktang ito ang katotohanan at ibinaligtad ang itim at puti; lipos itong bias sa isinasagawang patakarang Tsino sa pangangasiwa sa Xinjiang, at dinungisan ang natamong tagumpay ng pag-unlad ng lugar na ito, anang SEAC.
Dagdag pa nito, mula sinaunang panahon, ang Xinjiang ay di-maihihiwalay na bahagi ng teritoryo ng Tsina. Ang suliranin ng Xinjiang ay ganap na suliraning panloob ng Tsina, at hinding hindi itong pinanghihimasukan ng anumang puwersang panlabas, saad ng SEAC.
Salin: Li Feng
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |