![]( /mmsource/images/2019/12/06/20191206113141328_22424.jpg)
Sina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Ban Ki Moon, dating Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN)
Nagtagpo Disyembre 5, 2019, sa Seoul, si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Ban Ki Moon, dating Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN).
Ipinahayag ni Wang na pinapurihan ng Tsina ang pagsisikap ni Ban Ki Moon para mapangalagaan ang multilateralismo at pasulungin ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Timog Korea.
Sinabi din ni Wang na ang Tsina at T.Korea ay magkaibigang pangkapitbansa, mabuti ang tunguhin ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang panig. Nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng T.Korea, para patibayin ang pagtitiwalaang pulitikal sa isa't isa, maayos na hawakan ang mga problema, palalimin ang pagpapalitan at pagtutulungan sa iba't ibang larangan, at pasulungin ang bagong pag-unlad ng estratehikong partnership ng Tsina at T.Korea.
Ipinahayag ni Ban Ki Moon na ang pagdalaw ni Wang ay buong lakas na nagpasulong ng pag-unlad ng relasyon ng Tsina at T.Korea. Inaasahan niyang magiging mas mahigpit ang kooperasyon ng dalawang bansa sa hinaharap. Nakahanda siyang patuloy na patitingkarin ang konstruktibong papel para pasulungin ang relasyon ng dalawang panig, harapin ang pagbabago ng klima, at mapangalagaan ang multilateralismo.
Salin:Sarah