Nagpulong Huwebes ng hapon, Disyembre 5, 2019 ang Komisyon ng Nasyonalidad at Relihiyon ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC) kung saan ipinahayag ang mariing pagkondena sa pagpapatibay ng Mababang Kapulungan ng Amerika sa Uyghur Human Rights Policy Act of 2019.
Tinukoy ng mga kagawad na sinasadyang bahiran ng panig Amerikano ang pagsisikap ng Tsina sa deradikalisasyon at pagbibigay-dagok sa terorismo, at lantarang sumusuporta sa iba't ibang uri ng aktibidad ng pagsira, marahas at teroristikong aktibidad, mapangwatak na aktibidad, at ekstrimistikong aktibidad na panrelihiyon. Ang ganitong aksyon ng walang pasubaling pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina, at latarang pagyurak sa moral baseline ay masamang pagpapakita ng hegemonismo.
Diin ng mga kagawad, ang pangangalaga sa katatagan ng lipunan at pangmalayuang seguridad ng Xinjiang ay mithiin ng mga mamamayan. Ang deradikalisasyon at pagbibigay-dagok sa terorismo ay layong alisin ang mga hadlang sa pagsasakatuparan ng mga mamamayan ng iba't ibang lahi sa Xinjiang ng magandang pamumuhay, at hanapin ang may-harmonya't malusog na pag-unlad ng Xinjiang.
Saad ng mga kagawad, hinding hindi nila pahihintulutan ang pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina at pagpipilipit sa katotohanan. Anila, tiyak na ibayo pang patitibayin at pauunlarin ang bunga ng deradikalisasyon at pagbibigay-dagok sa terorismo ng Xinjiang, at hinding hindi mahahadlangan ng anumang puwersa ang hakbang ng Xinjiang tungo sa nagkakaisa, maharmonya, masagana, mayaman, sibilisado, at maligayang kinabukasan.
Salin: Vera