Lantarang pinagtibay kamakailan ng panig Amerikano ang Uyghur Human Rights Policy Act of 2019 kung saan siniraan ang pagsisikap ng Tsina sa paglaban sa terorismo at de-radikalisasyon, at tahasang inatake ang isinasagawang patakaran ng pamahalaang Tsino sa pangangasiwa sa Xinjiang. Ito ay malubhang lumalabag sa pandaigdigang batas at pundamental na norma ng pandaigdigang relasyon. Ang nasabing "akta" ay lubos na nagbubunyag ng "double standards" ng panig Amerikano sa isyu ng paglaban sa terorismo at tangka nitong walang paggalang na panghihimasok sa suliraning panloob ng Tsina, at nagpalabas ito ng grabe at maling signal sa mga teroristikong puwersa. Buong tindi itong tinututulan ng mga mamamayang Tsino at komunidad ng daigdig.
Nitong ilang taong nakalipas, ginagamit ng Amerika ang "karapatang pantao" para lapastanganin ang karapatang pantao, at ang napakasamang kilos nitong nagpupukaw sa hegemonya ay buong pagkakaisang kinokondena ng mga mamamayan ng buong daigdig. Lalong lalo na, nagdouble-standard din ang panig Amerikano sa isyu ng paglaban sa terorismo na ibinabaligtad ang puti at itim, bagay na lubhang nakaksira sa pandaigdigang kooperasyon sa usaping ito.
Ang isyu ng Xinjiang ay isyu ng paglaban sa terorismo at separatlismo sa halip ng isyu ng karapatang pantao, nasyonalidad, at relihiyon. Pinapayuhan ng panig Tsino ang panig Amerikano na agarang itigil ang masamang kilos nitong nanghihimasok sa suliraning panloob ng Tsina sa katwiran ng isyu ng Xinjiang, aktuwal na itakwil ang "doule standards," at huwag muling hadlangan ang pandaigdigang usapin ng pakikibaka laban sa terorismo.
Salin: Li Feng