Sa pakikipag-usap sa telepono kahapon, Sabado, ika-7 ng Disyembre 2019, ni Yang Jiechi, Direktor ng Tanggapan ng Komisyon sa mga Suliraning Panlabas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, kay Kalihim ng Estado Mike Pompeo ng Amerika, sinabi ni Yang, na nitong ilang araw na nakalipas, isinabatas ng Amerika ang "Hong Kong Human Rights and Democracy Act of 2019," pinagtibay ng Mababang Kapulungan ng Amerika ang "Uygur Human Rights Policy Act of 2019," at ilang beses na inilabas ng mga opisyal na Amerikano ang mga pananalitang pumipilipit at tumutuligsa sa sistemang pulitikal at mga patakarang panloob at panlabas ng Tsina.
Ang mga ito aniya ay pakikialam sa suliraning panloob ng Tsina, paglabag sa pandaigdig na batas at mga saligang norma ng relasyong pandaigdig, at pagtaliwas sa mithiin ng mga mamamayan ng Tsina, Amerika, at komunidad ng daigdig. Ipinahayag niya ang pagtutol at pagkondena ng panig Tsino sa mga ito.
Dagdag ni Yang, hinihimok ng Tsina ang Amerika, na agarang itigil ang paninirang-puri sa Tsina at pakikialam sa suliraning panloob nito.
Salin: Liu Kai