Bilang tugon sa pagbibigay-limitasyon noong nagdaang Oktubre ng Kagawaran ng Estado ng Amerika sa mga diplomatang Tsino sa Amerika, ipinahayag nitong Biyernes, Disyembre 6, 2019 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ipinaalam na noong Disyembre 4 ng panig Tsino sa Embahadang Amerikano sa Tsina na mula Disyembre 6, isasagawa ng Tsina ang katulad na hakbang sa panig Amerikano.
Ani Hua, muling hinimok ng panig Tsino sa panig Amerikano na iwasto ang kamalian nito at kanselahin ang kaukulang kapasiyahan para magkaloob ng suporta at ginhawa sa pagsasagawa ng mga diplomatang Tsino sa Amerika ng mga kaukulang aktibidad.
Salin: Li Feng