Ipinahayag nitong Martes, Disyembre 17, 2019 ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina na patuloy na mananatiling bukas ang Tsina para sa pagsali ng mga kompanya ng telekomunikasyon ng iba't ibang bansa na kinabibilangan ng mga kompanyang Europeo sa kooperasyon ng pamilihan ng 5G ng Tsina. Umaasa aniya siyang ipagkakaloob ng ibang bansa ang bukas, makatwiran, makatarungan at walang pagtatanging kapaligirang pang-negosyo para sa mga bahay-kalakal na Tsino.
Ayon sa ilang panukala sa blueprint na narating nitong Lunes, Disyembre 16, 2019 ng Social Democrats (SPD) at conservative party ng Alemanya, kung di-maaaring imonitor ang impluwensiyang pang-estado sa mga bansang pinanggagalingan ng telecoms equipment supplier, at aalisin ang manipulasyon o aktibidad na pang-espiya, dapat alisin ang ganitong supplier sa network ng Alemanya. Ito ay tinututulan ng pamahalaang Aleman, at idinaan sa pagboto sa loob ng SPD.
Kaugnay nito, sinabi ni Geng na palagian at malinaw ang paninindigan ng Tsina sa isyu ng 5G technology. Hindi kailanma'y kinatigan ng pamahalaang Tsino ang pagsasagawa ng anumang bahay-kalakal na Tsino ng mga aktibidad na makapinsala sa lehitimong kapakanan at seguridad ng ibang bansa, at hindi rin kailanman hiniling sa mga bahay-kalakal na magkabit ng backdoor o mangolekta ng impormasyong dayuhan.
Salin: Vera