Kasabay ng pagbubukas nitong Huwebes, Oktubre 31, ng PT Expo China (PTEXPO), isa sa mga nangungunang pangyayari sa information and communication technology (ICT), ipinatalastas ng Tsina ang opisyal na paglulunsad ng 5G commercial services sa bansa.
Ayon sa Huawei, telecom giant ng Tsina, sa katapusan ng taong ito, tinatayang aabot sa 130,000 ang bilang ng 5G commercial service base station sa buong bansa.
Ayon sa China Academy of Information and Communications Technology (CAICT), mula 2020 hanggang 2025, tinatayang aabot sa 10.6 trilyong yuan RMB (mahigit 1.5 triyong dolyares) ang economic output na idudulot ng 5G commercialization. Kasabay nito, mahigit tatlong milyong trabaho ang malilikha.
Salin: Jade
Pulido: Rhio