Isinahimpapawid kamakailan ng Soyon Gegeeruulegch TV ng Mongolia ang mga ulat na may kinalaman sa dalawang dokumentaryong ginawa ng China Global Television Network (CGTN) ng China Media Group (CMG) hinggil sa paglaban sa terorismo ng Xinjiang. Nag-share ng nasabing mga ulat ang sonin.mn, main stream news website ng Mongolia.
Si Ts.Surenjav, Mongolian Sinologist
Pagkaraang panoorin ang mga dokumentaryong ito, mariing kinondena ng Mongolian Sinologist na si Ts.Surenjav ang huwad na balita ng mga kanluraning media, at buong lakas na sinuportahan ang mga hakbangin ng pamahalaang Tsino sa paglaban sa terorismo. Sa tingin niya, ang isyu ng Xinjiang ay suliraning panloob ng Tsina, at walang karapatang makialam dito ang ibang bansa. Dagdag niya, ibinunyag ng dalawang dokumentaryo ng CGTN ang katotohanan, at pinatunayan nitong pragmatiko at mabisa ang kaukulang hakbangin ng pamahalaang Tsino.
Nagkoment naman ang isang Mongolian netizen na si Zuv na kinakatigan namin ang ginawang pagsisikap ng Tsina sa deradikalisasyon. Aniya, nahaharap sa parehong problema ang Mongolia. Lumilikha ang mga radikal ng madugo't teroristikong insidente, at nagsasapanganib sa komong seguridad, kaya dapat itong masugpo, dagdag niya.
Salin: Vera