Inilabas kamakailan ng China Global Television Network (CGTN) ang dalawang dokumentaryo sa wikang Ingles hinggil sa paglaban ng Xinjiang sa terorismo na pinamagatang "Fighting Terrorism in Xinjiang" at "The Black Hand -- ETIM and Terrorism in Xinjiang." Tunay na nagpapakita ang mga dokumentaryong ito ng kapinsalaang dulot ng marahas na terorismo at ekstrimismong panrelihiyon sa Xinjiang. Pero sa harap ng katotohanan, sinisiraan ng ilang kongresistang Amerikano ang mga patakaran ng Xinjiang sa paglaban sa terorismo at deradikalisasyon, at nakikipagsabwatan sa terorismo at ekstrimismo, sa pamamagitan ng double standard. May intensyon man o wala, nagsisilbi silang tagapagbalita ng mga radikal at terorista. Ang mga kilos nila ay grabeng salungat sa katarungan at konsiyensya ng sangkatauhan.
Mayroon bang moral na basehan ng sangkatauhan ang nasabing mga kongresistang Amerikano na hindi pa nakapunta sa Xinjiang ng Tsina? Bakit sila nagtahi-tahi ng katotohanan nang walang batayan? Para sa kanila, ang mga trahedyang nagaganap sa teritoryo ng Amerika na katulad ng 911 incident ay nabibilang lang ba sa terorismo? At ang mga hakbangin sa pagpigil sa terorismo ay isinasagawa ng Tsina para mapangalagaan ang pundamental na kapakanan ng mga mamamayan ay karapat-dapat bang siraan?
Kung ipagpipilitan ng ilang pulitikong Amerikano ang sariling paninindigan, at walang pag-aalinlangang sasalungat sa katarungan at konsiyensya ng sangkatauhan, tatanggapin nila ang parusa ng kasaysayan sa bandang huli.
Salin: Vera