Si B. Munkhtuul ay isang beteranong mamamahayag na nagwagi ng espesyal na gantimpala ng pangulo ng bansa, dahil sa kanyang namumukod na ambag sa larangan ng media. Noong nagdaang Hulyo, naglakbay siya sa Urumqi, Karamay, Kashgar at iba pang lugar ng Rehiyong Awtonomo ng Xinjiang ng Tsina, bumisita sa mga sentro ng vocational education, at inanyayhang bumisita sa mga karaniwang pamilya ng lahing Uygur sa Kashgar. Naramdaman niya na nagkakaisa, ligtas, at tahimik ang kalagayan sa lokalidad.
Pagkaraang umuwi sa Mongolia, batay sa kanyang karanasan sa Xinjiang, isinulat ni Munkhtuul ang maraming ulat, para komprehensibong isalaysay ang pag-unlad ng kabuhaya't lipunan ng Xinjiang, at natamong bunga ng paglaban sa terorismo. Aniya, bilang isang mamamahayag, ang lahat ng sinasabi niya ay nababatay sa katotohanan lamang. Sa kasalukuyan, maligaya ang pamumuhay ng mga taga-Xinjiang, at ang pagpapatibay ng Amerika ng umano'y Uyghur Human Rights Policy Act of 2019 ay purong pakikialam sa suliraning panloob ng ibang bansa, dagdag niya.
Salin: Vera