|
||||||||
|
||
Ayon sa nasabing kontrata, bago ang Hulyo ng 2021, ipapadala ng naturang kompanyang Tsino sa PNR ang 3 electric motor train units, na may bilis na umaabot sa 120 km/h.
Junn Magno (2nd L, front), general manager of Philippine National Railways (PNR), and Wang Qiaolin (2nd R, front), deputy general manager of the China Railway Rolling Stock Corporation (CRRC) Zhuzhou Locomotive Co., Ltd., sign the contract on the procurement of trains in Manila, the Philippines, Dec. 18, 2019.
Isinalaysay ni Junn Magno, General Manager ng PNR, na tatakbo ang nasabing pangkat ng tren sa pagitan ng Manila at rehiyon ng Bicol sa katimugang Luzon. Aniya, inaasahang paiikliin nito ang oras ng biyahe sa rutang nabanggit.
Ayon ni Arthur Tugade, Kalihim ng Departamento ng Transportasyon ng Pilipinas, na ikinasisiya ng Pilipinas ang pakikipagkooperasyon sa Tsina sa larangan ng kontruksyon sa daambakal. Buong pananabik niyang inaasahan ang pagsasaoperasyon ng mga treng yari ng Tsina, sa lalong madaling panahon.
Philippine Secretary of the Department of Transportation Arthur Tugade (3rd L) and Fu Chengjun (3rd R), general manager of the China Railway Rolling Stock Corporation (CRRC) Zhuzhou Locomotive Co., Ltd., shake hands during the contract signing ceremony in Manila, the Philippines, Dec. 18, 2019.
Ayon naman kay Fu Chengjun, General Manager ng CRRC Zhuzhou, na umaasa ang kanyang kompanya na sa pamamagitan ng naturang proyekto, malalimang makikisangkot ang CRRC Zhuzhou sa konstruksyon ng daambakal at transportasyong pampubliko sa mga lunsod ng Pilipinas, at magkakaloob ng plano para sa sistema ng rail traffic sa bansa.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |