|
||||||||
|
||
Madrid — Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Lunes, Disyembre 16 (local time), 2019 kay Teodoro Locsin, Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na lubos na pinahahalagahan ng panig Tsino ang relasyon sa Pilipinas.
Sinabi ni Wang na ang susunod na taon ay ika-45 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pilipinas, at sasalubungin ng bilateral na relasyong ito ang bagong pagkakataon ng pag-unlad. Aniya, nakahanda ang panig Tsino na mataimtim na tupdin kasama ng panig Pilipino ang narating na mahalagang pagkakasundo ng mga lider ng dalawang bansa para magkaroon ng substansyal na progreso ang kooperasyon sa paggagalugad ng langis at gas ng dalawang bansa.
Sinang-ayunan naman ni Locsin ang nagawang positibong pag-unlad sa bilateral na relasyon ng dalawang bansa. Aniya, handang magsikap ang panig Pilipino, kasama ng panig Tsino para mapasulong ang nasabing usapin.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |