Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRRC ZELC, inaasahan ang pakikipagtulungan sa mga bahay-kalakal ng Pilipinas

(GMT+08:00) 2017-04-24 11:23:24       CRI

Kasunod ng magkakasamang pagpapasulong ng konstruksyon ng 21st Century Maritime Silk Road ng mga may kinalamang panig, umaasa ang China Railway Rolling Stock Corporation Zhuzhou Electric Locomotive Co., Ltd (CRRC-ZELC) na mapapalakas ang pakikipagtulungan nito sa mga bahay-kalakal mula sa mga kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Ito ay ipinahayag Abril 20, 2017, ni Zhang Liqiang, Vice President at Chief Financial Officer ng CRRC-ZELC sa harap ng mga mamamahayag mula sa ASEAN at Tsina na kasalukuyang naglalakbay sa Tsina.

Ang CRRC-ZELC na nakabase sa lunsod ng Zhuzhou, lalawigang Hunan, sa gitnang Tsina ay branch company ng CRRC, na nagtatampok sa pananaliksik at pagpoprodyus ng electric locomotives.

Isinalaysay ni Zhang na sa kasalukuyan, naitatag na ng kanyang kompanya ang pakikipagtulungan sa mga bahay-kalakal ng Indonesia, Thailand, Singapore at Malaysia.

Idinagdag pa ni Zhang na sa susunod na yugto, makikipagtulungan pa ang CRRC ZELC sa mga bahay-kalakal ng Pilipinas, Biyetnam, at Cambodia.

Kaugnay ng Pilipinas, sinabi ni Zhang na kasalukuyang isinasagawa nito ang pananaliksik sa pamilihang ito. Nais aniyang makapag-ambag ang kanyang kompanya para mapasulong ang transportasyon ng Pilipinas.

Aniya, ang modelo ng posibleng pagtutulungan ng CRRC-ZELC sa panig Pilipino ay maaaring igaya sa pinakahuling kooperatibong proyekto nito sa panig Malay. Nilagdaan Abril 11 ng kompanya at Ministri ng Transportasyon ng Malaysia ang kasunduan sa siyam (9) na Electric Multiple Unit (EMU). Ang lahat ng nasabing EMU ay nakatakdang isagawa sa Malaysia at isaoperasyon sa 2018. Ani Zhang, ang pagsisikap na ito ng CRRC-ZELC para i-localize ang paggawa ng mga lokomotibo sa Malaysia at ibang bansang ASEAN ay upang mapasulong ang kaunlarang pangkabuhayan at hanap-buhay sa lokalidad.

Walong taon na ang nakalipas sapul nang itatag ang partnership ng CRRC-ZELC at bahay-kalakal na Malay, at 80% ng mga empleyado ng dalawang subsidiary at isang joint-venture ay mamamayang Malay. Ang target nito ay palampasin sa 95% ang mga empleyadong Malay.

Ang pagbisita sa CRRC ZELC ay bahagi ng China-ASEAN Media Journey. Ang nasabing biyahe ay nagsimula noong Abril 18 at tatagal hanggang Abril 27.

Ang aktibidad na ito ay nasa pagtataguyod ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina at ASEAN-China Centre (ACC), at sa suporta ng mga counterpart mula sa ASEAN. Layon nitong pasulungin ang pagkakaunawaan ng mga media ng ASEAN at Tsina hinggil sa magkakasamang pagpapasulong ng konstruksyon ng 21st Century Maritime Silk Road. Ang Belt and Road Initiative ay pinaikling termino ng Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road. Ang inisyatibang ito na inilunsad ng Tsina ay nagtatampok sa magkakasamang pagsasanggunian, pagtatatag at pagbabahaginan ng lahat ng mga may kinalamang bansa.

Kabilang sa delegasyon ng media ay sina Kristina Juan, Executive Producer/Writer/Reporter ng People's Television Network (PTV); Boncan Miriniza, Senior News Editor ng Philippine Broadcasting Service (PBS); Hilario Ernesto, Columnist ng Business Mirror, kasama ang mga mamamahayag mula sa Borneo Bulletin Daily ng Brunei; Khmer Times ng Cambodia; DETIKCOM at Bisnis Indonesia Manado branch ng Indonesia; National Television at Vientiane Times ng Laos; China Press at National News Agency ng Malaysia; Mirror Daily ng Myanmar; Lianhe Zaobao at Mediacorp PTE LTD ng Singapore; Thairath Newspaper at Thairath TV ng Thailand; Investment Review at Economic Times ng Vietnam; at China Radio International ng Tsina.

 (Mga larawan: Pagbisita ng delegasyon ng mga media ng ASEAN sa CRRC-ZELC sa lunsod ng Zhuzhou ng lalawigang Hunan, Tsina)

Ulat: Ernest

Larawan: Ernest

Edit: Jade/Rhio

Web editor: Ernest

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>