|
||||||||
|
||
Great Hall of the People, Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo sa kanyang South Korean counterpart na si Moon Jae-in, ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sa kasalukuyan, lumalaganap ang proteksyonismo, unilateralismo, at hegemonya. Ang mga ito aniya ay nakakasira sa pagsasaayos sa buong daigdig, at banta sa kapayapaan at katatagang pandaigdig.
Sinabi ni Xi na bilang responsableng malaking bansa, nakahanda ang Tsina na magsikap kasama ng iba't-ibang bansa para itatag ang komunidad ng komong kapalaran ng buong sangkatauhan.
Ipinahayag naman ni Moon Jae-in ang pag-asang ibayo pang mapapalawak ang kooperasyon ng dalawang bansa sa mga larangang gaya ng kabuhayan at kalakalan, kultura, palakasan, at pangangalaga sa kapaligiran. Aniya, ang mga suliranin ng Hong Kong at Xinjiang ay pawang suliraning panloob ng Tsina, at hindi dapat makialam dito ang ibang bansa.
Nagpalitan din ng kuru-kuro ang dalawang lider tungkol sa situwasyon ng Korean Peninsula.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |