|
||||||||
|
||
Sina Pangulong Xi Jinping (sa kanan) ng Tsina at South Korean Presidential Special Envoy Lee Hai-chan (sa kaliwa)
Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo Biyernes, Mayo 19, 2017, kay South Korean Presidential Special Envoy Lee Hai-chan, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na nitong 25 taong nakalipas sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Timog Korea, malaki ang pag-unlad na natamo sa nasabing relasyon. Ito aniya ay nakakapagbigay ng napakalaking benepisyo sa dalawang bansa at kanilang mga mamamayan, at nakakapagbigay din ng mahalagang ambag para sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagang panrehiyon. Nakahanda aniya ang panig Tsino na pangalagaan kasama ng panig Timog Koreano, ang natamong bunga ng relasyon ng dalawang bansa para mapatibay ang pagtitiwalaang pulitikal, maayos na hawakan ang pagkakaiba, at makapaghatid ng mas malaking benepisyo sa dalawang panig.
Ipinahayag naman ni Lee Hai-chan na napakalaki ng potensyal ng relasyon ng Timog Korea at Tsina, at malawak ang prospek nito. Lubos aniyang nauunawaan ng kanyang bansa ang kaukulang pagkabahala ng panig Tsino. Nakahanda ang Timog Korea na palakasin ang pakikipagkoordinhan at pakikipagsanggunian sa panig Tsino para maayos na malutas ang mga problemang humahadlang sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa, aniya pa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |