Sina Ministrong Panlabas Wang Yi (sa kanan) ng Tsina at South Korean Presidential Special Envoy Lee Hai-chan (sa kaliwa)
Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo Biyernes, Mayo 19, 2017, kay South Korean Presidential Special Envoy Lee Hai-chan, ipinahayag ni Ministrong Panlabas Yang Jiechi ng Tsina, na ang pagpapadala ni Pangulong Moon Jae-in ng espesyal na sugo sa Tsina, ay nagpapakita ng kanyang mataas na pagpapahalaga sa relasyon ng dalawang bansa. Dapat aniyang isakatuparan ng dalawang bansa ang narating na komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, at gumawa ng aktuwal na pagsisikap upang mapasulong ang pagpapanumbalik ng kanilang relasyon sa landas ng malusog at matatag na pag-unlad. Umaasa aniya ang Tsinao na igagalang ng panig Timog Koreano ang malaking pagkahabala nito, at maayos na mahahawakan ang isyu ng Terminal High Altitude Area Defense (THAAD).
Ipinahayag naman ni Lee Hai-chan na nagsisikap ang kanyang bansa upang mapaunlad ang relasyon sa Tsina. Lubos aniyang nauunawaan ng Timog Korea ang pagkabahala ng Tsina. Nakahanda aniya ang T.Korea na palakasin ang diyalogo sa Tsina upang maayos na mahawakan ang kaukulang isyu.
Salin: Li Feng