Ayon sa datos na inilabas nitong Martes, Disyembre 24, ng Ministri ng Kultura at Turismo ng Tsina, noong unang tatlong kuwarter ng 2019, mahigit 110 milyong mamamayang Tsino ang naglakbay sa ibayong dagat. Mas malaki ito ng 8.5% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2018. Kasabay nito, lumampas sa 4.5 bilyong person-time ang naitala pagdating sa bilang ng mga mamamayang nagliwaliw sa loob ng bansa. Umakyat ito ng 8.8% kumpara sa gayunding panahon ng 2018. Ang kultura at turimo ay nagsisilbing bagong lakas-panulak para sa paglago ng kabuhayan ng Tsina.
Ayon din sa datos, sa taong 2019, umabot sa 85 ang kooperatibong proyektong pangkultura sa pagitan ng Tsina at iba pang 20 bansa't rehiyon sa kahabaan ng Belt and Road. Ang nasabing mga proyekto ay may kinalaman sa digital culture, turismo, pagtatanghal, at iba pa.
Salin: Jade
Pulido: Rhio