Sa panahon ng bakasyon ng Pambansang Araw ng kasalukuyang taon, lumampas sa 7 milyon ang bilang ng mga turistang Tsino sa ibang bansa. Naging mas masigla ang outbound tourism market, at naging mas praktikal ang konsumo ng mga turista.
Bukod sa mga sikat na kadalasang destinasyong panturista na gaya ng Hapon, Thailand, Malaysia, Singapore, Australia, Pransya, Italya, at Rusya, naging double-digit ang bahagdan ng paglaki ng mga online booking sa mga travel destinations sa Czech, Hungary, Poland, Cambodia, at iba pang di-popular na destinasyong panturismo.
Salin: Lito