Ayon sa estadistikang inilabas Linggo, Setyembre 15, 2019 ng Ministri ng Kultura at Turismo ng Tsina, sa panahon ng katatapos na bakasyon ng Mid Autumn Day, tinanggap ng Tsina ang 105 milyong person-time na turista sa loob ng bansa, at ito ay lumaki ng 7.6% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon. Samantala, 47.28 bilyong yuan RMB ang tourism revenue sa loob ng bansa, na lumaki ng 8.7%.
Ang pagtingin sa bilog na buwan at paglalakbay sa tanawing panggabi ay nagsilbing tampok ng turismo sa nasabing tradisyonal na kapistahan ng Tsina.
Salin: Vera