Nitong Biyernes, Disyembre 27, 2019, matagumpay na naisaoperasyon sa probinsyang Luang Prabang, Laos ang Ban Sen 2 Tunnel, pinakamahabang tunnel sa buong linya ng daam-bakal ng Tsina at Laos. Mas maaga ng pitong buwan ang pagsasaoperasyon kumpara sa nakatakdang plano. Ito ay sumasagisag ng pagtatamo ng konstruksyon ng daam-bakal ng dalawang bansa ng isa pang malaking breakthrough, bagay na nakapaglatag ng matatag na pundasyon para sa kompletong pagtatapos ng nasabing daam-bakal sa katapusan ng taong 2021. Ang Power Construction Corporation ng Tsina ang namuno sa konstruksyon ng daam-bakal.
Sinabi ni Ju Guojiang, Presidente ng China-Lao Railway Corporation, na natapos na ang 86% ng buong proyekto ng konstruksyon ng daam-bakal ng Tsina at Laos. Hinihiling niya sa lahat ng kalahok sa proyektong ito na pag-ibayuhin ang pagsisikap para maging ligtas, maayos, at mabisang makumpleto ang nalalabing gawain at maigarantiya ang pagtatapos ng buong proyekto bago dumating ang Disyembre, 2021.
Salin: Li Feng