Ipinahayag kahapon, Huwebes, ika-2 ng Enero 2020, sa Beijing, ni Hu Chunhua, Pangalawang Premyer ng Tsina at Puno ng Leading group of Poverty Alleviation and Development ng Konseho ng Estado, na dapat ipatupad ang pinakahuling patnubay ni Pangulong Xi Jinping sa kanyang mensaheng pambagong taon na may kinalaman sa pagpawi ng kahirapan, para manalo sa pakikipaglaban sa kahirapan.
Pagdating sa mga konkretong gawain ng pagpawi ng kahirapan, sinabi ni Hu, na dapat buong sikap na i-ahon mula sa kahirapan ang nalalabing halos 3 milyong mahirap na mamamayang naitala sa listahan, at palakasin ang gawain ng pagbibigay-tulong sa mga mahihirap sa 12 lalawigan, rehiyong awtonomo, at munisipalidad sa kanlurang bahagi ng Tsina, kung saan madaling lumitaw ang kahirapan. Binigyang-diin din niyang, dapat isakatuparan alinsunod sa nakatakdang iskedyul ang pag-aahon sa kahirapan ng lahat ng mga mahirap na mamamayan at mahirap na county.
Salin: Liu Kai