Sa okasyon ng ika-6 na National Poverty Relief Day ng Tsina, inilabas ngayong araw, Huwebes, ika-17 ng Oktubre 2019, ang talumpati ni Xi Jinping, Pangulong Tsino, hinggil sa gawain ng pagpawi ng kahirapan.
Sinabi ni Xi, na ang kaisipan ng kaunlarang gawing nukleo ang mga mamamayan ay pundasyon ng lahat ng pagsisikap ng Tsina para pawiin ang kahirapan. Aniya, malulutas ang isyu ng kahirapang nakababagabag ng nasyong Tsino nitong nakalipas na ilang libong taon, at ito ay magiging mahalagang ambag sa pandaigdig na usapin ng pagbabawas ng kahirapan.
Sinabi rin ni Xi, na ang kasalukuyan ay kritikal na panahon ng pagsasakatuparan ng target na pawiin ang kahirapan. Nanawagan siya sa iba't ibang departamento ng pamahalaan at iba't ibang lugar ng Tsina, na ipagpatuloy ang mga pagsisikap, para manalo sa pakikipaglaban sa kahirapan.
Salin: Liu Kai