Ipinahayag ngayong araw, Biyernes, ika-27 ng Setyembre 2019, sa Beijing, ni Liu Yongfu, Puno ng Tanggapan ng Namumunong Grupo sa Pagbabawas ng Kahirapan at Usapin ng Kaunlaran ng Konseho ng Estado ng Tsina, na kapansin-pansin ang bunga ng targeted poverty alleviation na isinasagawa ng kanyang bansa. Aniya, ibabangon nito ang lahat ng mahihirap.
Sinabi ni Liu, na nitong 6 na taong nakalipas, mahigit 82 milyong mahirap na populasyon ang nai-ahon ng Tsina. Aniya, sa katapusan ng taong ito, may pag-asang umangat sa 95% ang bilang na ito batay sa kasalukuyang nakatakdang pamantayan. Samantala, sa pamamagitan ng pagsisikap sa taong 2020, malulutas ang kahirapan sa Tsina, dagdag niya.
Ipinahayag din ni Liu, na dahil sa natamong bunga ng Tsina sa naturang usapin, napapabilis ang proseso ng pagbabawas ng kahirapan ng daigdig. Ang mga hakbangin ng Tsina sa pagbabawas ng kahirapan ay naging mahalagang karanasan para sa iba't ibang bansa, aniya pa.
Salin: Liu Kai