Kinumpirma kamakailan ng Kagawaran ng Tanggulan ng Amerika, sa isang operasyon sa Baghdad, kabisera ng Iraq, pinatay ng panig militar ng Amerika si Qasem Soleimani, komander ng Quds Force ng Islamic Revolution Guard Corps ng Iran.
Kaugnay nito, ipinahayag sa Beijing nitong Biyernes, Enero 3, 2020 ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa mula't mula pa'y tinututulan ng panig Tsino ang paggamit ng dahas sa relasyong pandaigdig. Hinihimok aniya ng Tsina ang Amerika na magtimpi.
Salin: Li Feng