Ayon sa pahayag na inilabas ngayong araw, Biyernes, ika-3 ng Enero 2020, ng Kagawaran ng Tanggulan ng Amerika, sa isang operasyong ginawa kaninang madaling araw sa Baghdad, kabisera ng Iraq, pinatay ng panig militar ng Amerika si Qasem Soleimani, komander ng Quds Force ng Islamic Revolution Guard Corps ng Iran.
Sa naturang pahayag, sinabi rin ng panig Amerikano, na gumawa si Soleimani at Quds Force ng mga atakeng ikinamatay ng ilang daang sundalo ng Amerika at pandaigdig na koalisyon.
Ayon naman sa ulat ng panig Iraki, napatay si Soleimani at 7 iba pa sa rocket strike sa pandaigdig na paliparan ng Baghdad, pagkaraan silang lumapag.
Samantala, ayon naman sa panig Iranyo, ang Quds Force ay namamahala sa mga operasyon sa labas ng bansa, at lumalahok sila ngayon sa pakikipaglaban sa Islamic State sa Syria at Iraq.
Salin: Liu Kai