Ayon sa ulat ng media ng Iran nitong Miyerkules, Enero 8, 2020, bumagsak sa paligid ng Tehran Imam Khomeini International Airport (IKA) ang isang eroplanong pampasahero ng Ukraine International Airlines na may lulang di-kukulangin sa 170 katao. Ayon sa ulat ng media, nasawi ang lahat ng mga tripulante at pasahero.
Ang nasabing Boeing 737 eroplanong pampasahero ay nakatakdang lumipad mula IKA patungong Kiev, kabisera ng Ukraine. Bumagsak ito sa paligid ng paliparan, ilang minuto pagkaraang umalis, dahil sa "problemang teknikal."
Ayon sa impormasyon ng departamento ng pangkagipitang kalagayan ng pamahalaan ng Iran, dumating na ng pinabagsakan ng eroplano ang rescue team, at dahil sa malakas na sunog, mahirap na sumulong ang gawain ng pagliligtas.
Hanggang sa kasalukuyan, di pa tiyak ang mga konkretong impormasyon ng mga nasawing pasahero na gaya ng kani-kanilang pangalan at nasyonalidad.
Salin: Vera