Sinabi Lunes, Disyembre 17, 2018, ni Ministrong Panlabas Sergei Lavrov ng Rusya, na sa katapusan ng kasalukuyang taon, isasagawa ng Ukraine ang aksyong militar sa Crimea. Bilang tugon, isasagawa aniya ng Rusya ang mga kinakailangang katugong hakbangin, ngunit hindi ito magkakaroon ng giyera sa Ukraine.
Sinabi ni Lavrov na sinusuportahan ng Kanluraning puwersa ang sandatahang lakas ng Ukraine upang magsagawa ng aksyong militar. Layon nitong ipakita sa daigdig ang pag-atake ng Rusya sa Ukraine at patawan ng ibayo pang sangsyon ang Rusya.
Salin: Li Feng