Sa isang news briefing dito sa Beijing Biyernes, Enero 10, 2020, isinalaysay ni Luo Zhaohui, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, na sa paanyaya ni Pangulong Win Myint ng Myanmar, isasagawa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang dalaw-pang-estado sa nasabing bansa, mula Enero 17 hanggang Enero 18.
Ani Luo, ito ang kauna-unahang biyahe ni Xi sa ibayong dagat sa taong 2020. Aniya, ang kasalukuyang taon ay ika-70 aniberasaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Myanmar, kaya may mahalaga't espesyal na katuturan ang biyaheng ito para sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Dagdag ni Luo, sa panahon ng naturang pagdalaw, tatalakayin ng mga lider ng kapuwa panig ang pagpapalalim ng pagkakapatiran ng kani-kanilang mga mamamayan, patataasin ang lebel ng relasyong pulitikal, palalalimin ang kooperasyon sa konektibidad, pasusulungin ang konstruksyon ng economic corridor ng dalawang bansa, at pauunlarin ang relasyong Sino-Myanmar sa mas mataas na antas.
Salin: Vera