Nitong Biyernes, Enero 10, 2020, magkasamang ginawaran ng pinakamataas na pambansang gantimpalang pansiyensiya't panteknolohiya sina Huang Xuhua, punong tagapagdisenyo ng unang henerasyon ng nuclear submarine ng Tsina; at Zeng Qingcun, meteorolohistang nagbigay ng malaking ambag sa teorya ng numerical weather prediction. Sapul noong maitatag ang gantimpalang ito noong 1999, magkakasunod na nakuha ang karangalang ito ng 33 eksperto at siyentista.
Nitong 20 taong nakalipas, sa pamamagitan ng pagtatatag ng nasabing gantimpala at iba pa, hinihikayat ng Tsina ang mga eksperto at siyentista sa pagsasagawa ng inobasyong pansiyensiya't panteknolohiya.
Ano ang dahilan ng napakabilis na pagsulong ng siyensiya't teknolohiya? Kung babalik-tanawin ang proseso ng pag-unlad ng siyensiya't teknolohiya ng Tsina nitong 70 taong nakalipas, bukod sa sulong na pananaw at pagsasaayos ng mga gumawa ng desisyon, napapatingkad din ng diwa ng inobasyon at pagpupunyaging bunsod ng kulturang Tsino ang napakahalagang papel.
Bukod dito, sa proseso ng pagpapasulong ng siyensiya't teknolohiya, palagiang iginigiit ng Tsina ang pagbubukas at kooperasyon. Lubos na alam ng Tsina na bilang pinakamalaking umuunlad na bansa sa daigdig, umiiral pa rin ang agwat sa pangkalahatang lebel ng siyensiya't teknolohiya nito sa mga maunlad na bansa. Kaya, dapat aktibong pag-aralan at pasukin ang sulong na bungang pansiyensiya't panteknolohiya sa daigdig. Samantala, bilang tugon sa mga komong hamong tulad ng seguridad sa enerhiya, pagbabago ng klima, at seguridad sa kalawakan, ang pagkakaroon ng mas mahigpit na kooperasyon ng iba't-ibang bansa, ay siyang tanging kalutasan sa mga problema. Kumpara sa kagawian ng ilang bansang nagmamalabis sa ngalan ng pambansang seguridad at lantarang pumipigil sa inobasyong pansiyensiya't panteknolohiya ng ibang bansa, ang ideya at kilos ng Tsina sa pagpapasulong ng kooperasyong pansiyensiya't panteknolohiya sa buong daigdig, walang duda, ay mas mabuting naaangkop sa komong kapakanan ng komunidad ng daigdig.
Salin: Li Feng