|
||||||||
|
||
Nitong Biyernes ng gabi, Disyembre 27, 2019, matagumpay na inilunsad ang Long March-5, pinakamalaki at pinakabagong carrier rocket ng Tsina. Nang araw ring iyon, inilabas ang kaukulang kalagayan ng isang taon ng sistematikong pagkakaloob ng Beidou-3 ng serbisyo sa buong mundo, at nakapasok ang Beidou-3 satellite system sa bagong siglo ng pagkakaloob ng serbisyo sa buong daigdig.
Ang pagpapalabas ng dalawang sulong na bungang pansiyensiya't panteknolohiya ng Tsina sa loob ng isang araw ay sumasagisag ng pagsulong ng inobasyong pansiyensiya't panteknolohiya ng Tsina sa mas matatag na hakbang. Ito ay nagsisilbing bagong puwersang tagapagpasulong sa de-kalidad na pag-unlad ng Tsina, at nagkakaloob din ng mga bagong pagkakataon para sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig at pagsulong ng siyensiya't teknolohiya ng buong sangkatauhan.
Ang Inobasyon ay napakalakas na puwersang tagapagpasulong sa sustenableng pag-unlad ng Tsina. Sa taong 2019, hindi lamang sa larangan ng pundamental na pagsubok na pansiyensiya't panteknolohiya, kundi sa mga larangang gaya ng malalaking proyektong pansiyensiya't panteknolohiya, at siyensiya't teknolohiya sa pamumuhay ng mga mamamayan, natamo ng inobasyong pansiyensiya't panteknolohiya ng Tsina ang kasiya-siyang bunga. Ang kasalukuyang Tsina na gumigiit ng sarilinang inobasyon at nakikisangkot sa global innovation network, ay nagsisilbing positibong puwersa sa pagpapasulong ng paglaki ng kabuhayang pandaigdig.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |