Ang inobasyon ay hindi lamang malinaw na katangian ng Nasyong Tsino, kundi ito'y sustenableng puwersa ring tagapagpasulong sa progreso ng Tsina. Ginagawang simula ng inobasyong pansiyensiya't panteknolohiya ang hangarin ng mga mamamayan sa magandang pamumuhay, iginigiit ng pamahalaang Tsino ang pagpapasulong ng inobasyon alinsunod sa pangangailangan ng pamilihan upang mapasulong ang pagpapatingkad ng mga bahay-kalakal ng pangunahing papel sa inobasyong pansiyensiya't panteknolohiya at hanapin ang isang bagong landas ng pag-unlad sa pamamagitan ng inobasyon. Kasabay ng pagpapasulong ng sariling inobasyon, sa pamamagitan ng pandaigdigang kooperasyong panteknolohiya na may pundasyon ng mutuwal na kapakinabangan at win-win result, nakakapagbigay ang Tsina ng kahanga-hangang ambag para malutas ang mga problemang magkakasamang kinakaharap ng buong sangkatauhan.
Bukod dito, malaki pa rin ang potensyal ng Tsina sa larangan ng inobasyon. Sa hinaharap, tutugma ang Tsina sa tunguhin ng pag-unlad ng siyensiya't teknolohiya sa buong daigdig, at malalimang makikilahok sa pagasaayos ng siyensiya't teknolohiya sa buong mundo para makapaghatid ng mas maraming benepisyo sa mga bansa at mamamayan sa buong daigdig.
Salin: Lito