Mula Enero 17 hanggang Enero 18, 2020, isasagawa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang dalaw-pang-estado sa Myanmar. Sa bisperas ng nasabing pagdalaw, magkasamang itinaguyod sa Yangon ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina at Ministring Panlabas ng Myanmar ang diyalogo ng mga think tank ng dalawang bansa.
Ipinahayag sa naturang diyalogo ni Kyaw Tint, Union Minister for International Cooperation ng Myanmar na ang gagawing pagdalaw ni Pangulong Xi ay magbubukas ng bagong kabanata ng relasyong Sino-Myanmar. Aniya, pasusulungin nito ang matatag na pag-unlad ng iba't ibang kooperasyon ng kapuwa panig na kinabibilangan ng Belt and Road Initiative.
Nagpalitan ng karanasan sa nasabing diyalogo ang mahigit 100 dalubhasa't iskolar ng Tsina at Myanmar. Tinalakay nila ang hinggil sa kung paanong mapapaunlad ang relasyon ng dalawang bansa, at lipos sila ng pananabik sa nasabing pagdalaw.
Salin: Vera