|
||||||||
|
||
Nay Pyi Taw — Nitong Biyernes ng gabi, Enero 17 (local time), 2020, dumalo si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa maringal na banketeng panalubong na inihandog sa Palasyong Pampanguluhan ni Pangulong Win Myint ng Myanmar.
Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Win Myint na lubos na ikinasisiya ng mga mamamayan ng Myanmar ang pagpili ni Pangulong Xi ng Myanmar bilang unang bansang binisita sa bagong taon. Aniya, pinasasalamatan ng Myanmar ang ibinibigay na pagkatig at tulong ng Tsina para sa kapayapaan at kaunlaran nito. Nananalig siyang magsisilbing mahalagang milestone ang biyaheng ito ni Xi sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa, dagdag niya.
Sa kanya namang talumpati, nagpahayag si Xi unang una, ng pasasalamat sa ibinigay na maringal na resepsyon at pagtanggap ng pamahalaan at mga mamamayan ng Myanmar para sa kanya. Tinukoy ni Xi na dapat samantalahin ng dalawang panig ang pagkakataon ng ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko para magkasamang maitatag ang Komunidad ng Pinagbabahaginang Kapalaran ng Tsina at Myanmar at pasimulan ang bagong siglo ng relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |