Paparating na ang 2020 Spring Festival, pero, abalang-abala pa rin ang mga kompanyang nasa loob ng Yigao E-Commerce Industrial Park sa nayong Shicheng ng lalawigang Jiangxi ng Tsina.
Si Chen Zhen ay nagbukas ng isang kompanya rito. Noong 2017, sa tulong ng preperensiyal na patakaran ng parke, nakuha niya ang 20 libong yuan RMB na pondo. Bumili siya ng mga panindang agrikultural sa nayon at ibinebeta ito sa buong bansa sa pamamagitan ng mga tsanel ng E-Commerce na tulad ng Taobao. Ngayon, umabot sa 3 milyong yuan RMB ang halaga ng kita niya bawat taon.
Sa lahat ng 125 kompanya sa Yigao Industrial Park, ilampu rito ay E-Commerce, tulad kay Chen Zhen. Ang kanilang matagumpay na E-Commerce brand ay nagdudulot ng magkakasamang pag-unlad ng mga lokal na magsasaka, at nagkakaloob ng malaking tulong sa pagbabawas ng kahirapan sa nayon.
Salin:Sarah