Kaugnay ng pagpapahayag kamakailan ng 76 na kasapi ng World Trade Organization (WTO) ng kahandaang isagawa ang mga talastasan sa mga isyu ng E-commerce, sinabi ngayong araw, Lunes, ika-28 ng Enero 2019, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang aksyong ito ay malinaw na signal na kinakatigan ng karamihan sa mga kasapi ng WTO ang multilateralismo, at umaasa silang patitingkarin ang positibong papel ng multilateral na sistemang pangkalakalan para sa pagpapasulong ng kalakalan at kabuhayang pandaigdig.
Nitong ika-25 ng Enero, nilagdaan sa Davos, Switzerland, ng 76 na kasapi ng WTO na gaya ng Tsina, Amerika, Unyong Europeo, Hapon, at iba pa, ang magkasanib na pahayag hinggil sa E-commerce. Sa pamamagitan ng pahayag, ipinakikita ng iba't ibang panig, batay sa umiiral na mga kasunduan at balangkas ng WTO, ang kahandaang isagawa ang mga talastasan sa mga isyu ng E-commerce na may kinalaman sa kalakalan. Anang pahayag, ito ay para magdulot ang E-commerce ng mas malaking benepisyo sa mga bahay-kalakal, mamimili, at kabuhayan ng buong mundo.
Salin: Liu Kai