|
||||||||
|
||
Kinumpirma kamakailan ng Taiwan ang unang kaso ng pagkahawa sa bagong uri ng coronavirus.
Isinalaysay nitong Miyerkules, Enero 22, 2020 ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina ang kalagayan ng kooperasyon ng National Health Commission ng bansa at Taiwan sa pagharap sa epidemiya.
Aniya, ginagawa ng panig Tsino at World Health Organization (WHO) ang pagsasaayos para maigarantiya ang napapanahon at mabisang pagharap ng Taiwan sa mga biglaang pangyayari sa kalusugang pampubliko.
Saad ni Geng, pinahahalagahan ng pamahalaang sentral ng Tsina ang kalusugan at kabiyayaan ng mga kababayan sa Taiwan.
Pagkaganap ng epidemiya sa Wuhan, napapanahon at kusang-loob na ipinaalam ng naturang komisyon sa Taiwan ang impormasyon hinggil sa epidemiya.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |