|
||||||||
|
||
Sinabi Miyerkules ng gabi, Enero 22, 2020 ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor Heneral ng World Health Organization (WHO), na napapanahong ibinabahagi ng Tsina ang mga impormasyong may kinalaman sa epidemiya ng bagong uri ng coronavirus, at isinasagawa ang katugong hakbangin.
Ito aniya ay bagay na nagpapakita ng napakalaking transparency.
Nagpulong nang araw ring iyon ang WHO para talakayin kung magbubunga ng napakalaking suliranin ang naturang epidemiya sa kalusugang pampubliko.
Pagkatapos ng pulong, sinabi ni Ghebreyesus na ayon sa kasalukuyang kalagayan, kakailanganin pa ang mas maraming impormasyon para matiyak kung ipapatalastas bilang pandaigdigang emergency ang epidemiya.
Aniya, magkasamang isinasagawa ngayon ng grupo ng WHO at mga dalubhasa't opisyal ng Tsina ang imbestigasyon.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |