Sa news briefing noong ika-18 ng Mayo, 2019, local time, sa Geneva, Switzerland, isinalaysay ng delegasyong Tsino na lalahok sa ika-72 Pulong ng World Health Organization (WHO), ang mga progreso ng Tsina sa kalusugan at ambag sa pangangasiwang pangkalusugan ng daigdig.
Tinukoy ng naturang delegasyon na laging target ng pamahalaang Tsino ang pagsasakatuparan ng saligang sistemang pangkalusugang sasaklaw sa lahat ng mga mamamayan, aktibong humahanap ng landas na angkop sa kalagayan ng bansa, at natamo ang mahahalagang bunga. Bukod dito, nagbibigay rin ng ambag ang Tsina para sa pangangasiwang pangkalusugan ng daigdig, dagdag ng delegasyon.
Tinukoy din nilang sa hinaharap, patuloy na palalalimin ng Tsina ang reporma sa sistema ng medisina at kalusugan.
Salin:Lele