Sa news briefing na idinaos Martes ng umaga, Enero 28, 2020 ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan (NHC) ng Tsina, sinalaysay ni Jiao Yahui, Pangalawang Direktor ng Kawanihan ng Pangangasiwa sa mga Suliraning Medikal ng NHC, na kasalukuyang tinutulungan ng mga grupong medikal ng iba't-ibang lugar ng bansa ang probinsyang Hubei sa pakikibaka laban sa kalagayang epidemiko ng bagong coronavirus.
Sinabi ni Jiao na hanggang alas-11 kaninang umaga, dumating na ng Hubei ang 30 grupong medikal na binubuo ng 4,130 tauhan para maisagawa ang gawain doon. Hanggang gabi ng araw na ito, tinatayang aabot sa halos 6,000 tauhang medikal ang pupunta sa Hubei upang makiisa sa paglaban sa epidemiya.
Salin: Lito